Awit


Ikatlong aklat p. 7


Bayang magiliw, perlas ng silanganan 

Alab ng puso, sa dibdib mo’y buhay. 

Lupang hinirang, duyan ka ng magiting, 

Sa manlulupig, ‘di ka pasisiil. 


Sa dagat at bundok, 

Sa simoy at sa langit mong bughaw

May dilag ang tula 

At awit sa paglayang minamahal. 


Ang kislap ng watawat mo’y 

Tagumpay na nagniningning 

Ang bituin at araw niya’y 

Kailan pa ma’y di magdidilim. 


Lupa ng araw, ng luwalhati’t pagsinta, 

Buhay ay langit sa piling mo. 

Aming ligaya na‘pag may mang-aapi, 

Ang mamatay ng dahil sa iyo.