SINO AKO?
Ikatlong aklat p. 34
Ako’y Pilipina
Sa dugo, diwa at wika
Ang bansang aking pinanggalingan
Tinatawag na Perlas ng Silangan
Nguni’t nang ako’y lumaki
At may gulang na ang pag-iisip
Mag-ibang bansa aking minithi
Napadpad sa Norway sa bandang huli
Hanapbuhay nakapagbigay ng palad
Mahalaga sa buhay ng bawa’t isa
Taos langit ang aking pasasalamat
Na sa Norway ako napadpad
Ang bagong lipunang aking dinatnan
Dapat lamang mapag-aralan
At bigyang halaga kakaibang kaugalian
Para madama ang magandang samahan
Nguni’t dapat ding itangkilik
Ang ating dating kaugaliang kanais-nais
Sa lupang aking tinubuan
Dahil dito nagmula ang tanging pinanggalingan.