BAYANIHAN

Ikatlong aklat p. 19 


Isang araw namasyal na naman ang pamilyang Arnel sa kapit-lungsod. 

Habang nagbibiyahe sila, biglang nakita ni Arnel na binubuhat ng maraming tao ang isang bahay-kubo. 

‘’Aba, saan nila dadalhin ang bahay na iyan?’’ manhang tanong ni Arnel. 

‘’Ililipat ang bahay sa ibang lugar. Tumutulong sa pagbubuhat ang mga kapitbahay,’’ sagot ni Tatay. 

‘’Bayanihan ang tawag sa ganitong pagtutulong,’’ dagdag na sagot ni Nanay. 

‘’Ang bigat ng dala-dala nila, ano, Nanay?’’ naaawang tugon ni Arnel. 

‘’Oo, anak. Pero marami silang nagtutulong-tulong kaya gumagaan ang gawain,’’ sabi ng nanay. 

‘’Mabuti pumayag ang mga taong iyan na bumuhat ng isang buong bahay,’’ sabi ni Ate. 

‘’Ganyan talaga ang mga Pilipino. Isa ring magandang kaugalian natin ang pagtutulungan.