Pagsasanay sa p. 7

C. Balikan mong basahin ang salaysay na Sama-Sama Uli.
Sagutin kung Tama o Mali ang mga tanong.
Ulitin mo ang pangungusap na nagsasabing tama.
Kung mali ang pangungusap, isulat mo ang tamang pangungusap.

1. Si Tiyo Pepe ay nakakabatang kapatid ni tatay.
2. Si Ate ang kumanta ng Pambansang Awit.
3. Sabi ni tatay na mas madalas na Norwego ang usapan nilang mag-anak sa kanilang bahay.
4. Ugali ng mga Pilipino na nagbibigay ng mga pagkain kapag may bagong dating sa pamilya.
5. Malaki ang pamilya ni tatay sa Pilipinas.
6. Kumanta si Kuya ng Bahay Kubo.
7. Natuwa si Tiya Fely nang marinig niyang marunong magsalita ng Filipino ang mga bata.
8. Alam ding awitin ni Arnel ang Pambansang Awit.
9. Tumindig si Arnel nang kumanta ng Pambansang Awit.
10. Bumisita ang buong pamilya pagdating nila Arnel sa Pilipinas.

Puntahan mo ang link sa ibaba. Basahin mo kung paano nabuo ang Lupang Hinirang.

https://historiaelfilipinas.wordpress.com/