GABING MADILIM


Ikatlong aklat p. 61 


Biglang namatay ang ilaw. Ang dilim! Madilim na madilim!.

Natakot ako. Wala akong kasama sa kuwarto. Nanlamig ang mga paa ko sa takot. 

Nanlamig ang mga kamay ko sa takot. Tumayo ako. 

Aba! Nanlalambot pati ang mga tuhod ko sa takot. Wala akong makita. 

Nakatayo rin ako. Nangangapa ako sa dilim. Sa mga gilid ako humahawak. 

Salamat. Nakapa ko rin ang pinto. Binuksan ko ito. 

Makalabas lamang ako ay matatawag ko na ang nanay. 

Madilim din pala sa labas. Umabot na rin ako sa may hagdanan. 

"Naku! Baka mahulog pa ako’’, sabi ko. ‘’Nanay, nanay,’’ tawag ko. 

Walang sumagot. Baka nasa kusina ang nanay. 

 ‘’Bababa ako,’’ sabi ko. Itatapak ko na sana ang paa ko sa unang baitang upang bumaba. 

Nguni’t biglang nagliwanag. Nagkailaw na. Salamat. Nawala ang takot ko.