TULANG MAY MGA PANDIWA


Ikatlong aklat p. 59 

Mga kulisap


Ay! Kayrami ng kulisap. 

Gumagapang, lumilipad, 

Naroroon, nakikita, 

Napapansin nitong mata. 


Ay! Kay rami ng kulisap. 

Kahit saa’y nagkukuta, 

Nagtatago, umuugong, 

Di mabilang sa pangmalas. 


Nangangagat, bumubulong, 

Kulisap na naglipana 

Dumadapo, tumatapak, 

Humahalik sa bulaklak.