ANG SUNOG
(Ikalawang aklat p.44)
Nagising ako sa sigawan. Sigawan ng mga babae. Sigawan ng mga lalaki at bata.
Dumungaw ako sa bintana. Nagtatakbuhan ang mga tao.
‘’Sunog! Sunog!’’ sigawan nila habang tumatakbo papunta sa dako roon.
Papunta sila sa pinanggalingan ng maitim na usok. Bumaba ako sa bahay.
Tumakbo rin ako. Ibig kong makita ang sunog. Sumunod ako sa mga tao at nakita ko ang malaking sunog.
Ang daming bahay na nasusunog. Nakatatakot ang apoy.
Palaki nang palaki ang sunog dahil sa lakas ng hangin.
‘’Doon! Doon kayo!’’ pinaalis kami ng mga bumbero.
“Baka madisgrasiya kayo, mga bata.’’ Lumayo ako kasama ng ibang bata.
Pinaalis din ang mga ibang tao.
Hindi ko nakita ang pagpatay sa sunog ng bumbero.