MGA BUGTONG
(Ikalawang aklat p.60-61)
Mataas kung nakaupo, mababa kung makatayo.
Kahit hindi tayo magkaano-ano, ang gatas ng anak ko, ay gatas din ng anak mo.
Hulaan mo anong hayop ako. Ang abot ng paa ko’y abot din ng ilong ko.
Ibon kong kay daldal-daldal, ginagaya lang ang inuusal.
Bastong hindi mahawak-hawakan, sinturong walang mapaggamit-gamitan.
Pag munti’y may buntot, paglaki ay punggok.
Narito na si Pilo, sunong-sunong ang pulo.
Kawangis niya’y tao, magaling manguto, mataas kung lumukso.
Heto na si Ingkong, bubulong-bulong.
Maliit pa ang linsiyok, marunong nang manusok.